By Darius Galang ⋅ October 8, 2010
Sa korupsiyon iniuugat ng gobyernong Aquino ang kahirapan ng buong sambayanan. Malinaw na may hindi ito totoo, pero kahit ang isyung ito ng korupsiyon, mukhang di pa rin naaampat man lang ng bagong presidente.
Bagaman tuwid na daan ang pinupostura, hindi pa rin tiyak ang pagtutuwid sa dati nang problema na kinakaharap laluna ng mga opisyal ng pamahalaan at militar. Tulad ng kasalukuyang imbestigasyon sa isyu ng jueteng sa bansa. Maaaring black propaganda lamang diumano sa pagbibigay ng puwesto ng Pangulong Aquino kay Gen. Jesus Verzosa, hepe ng Philippine National Police, ngunit malalim ang mga ugat nito.