Tuesday, March 1, 2011

Usapang pangkapayapaan ng GPH-NDFP, matagumpay na nagtapos

By Pinoy Weekly Staff  February 22, 2011

Nagtapos ang unang round ng usapang pangkapayapaan sa pagitan ng Government of the Philippines at National Democratic Front of the Philippines (NDFP) sa Oslo, Norway nang nalampasan ng dalawang panig ang isa sa pangunahing balakid sa usapan.
“It has been a roller coaster ride all the way, so to speak, and until a few moments ago, no one could be quite sure whether the talks would end up on a high or a low point, or whether it might stall once more,” ayon kay Luis Jalandoni, tagapangulo ng NDFP peace panel sa kanyang panghuling pananalita.
Ani Jalandoni, maraming napagkasunduan ang dalawang panig. Pangunahin dito ang pagsang-ayon  ng GPH na hindi “terorista” ang Communist Party of the Philippines, New People’s Army (CPP-NPA), at chief political consultant ng NDFP na si Prop. Jose Maria Sison. Ginamit ng gobyernong Arroyo ang bansag na ito para puwersahin ang NDFP na pumirma sa isang dokumento ng capitulation o pagsuko.
“We welcome the declaration of the GPH that the CPP, NPA and NDFP are not terrorist organizations and therefore peace negotiations with us are possible and appropriate,” ayon kay Jalandoni. Ngunit inilinaw niya na marami ang kailangan gawin para siguruhing nirerespeto ito ng iba’t ibang departamento ng gobyerno, partikular ang mga puwersa ng pulisya at militar...

http://pinoyweekly.org/new/2011/02/usapang-pangkapayapaan-ng-gph-ndfp-matagumpay-na-nagtapos/

No comments:

Post a Comment

Free to Earn