Monday, October 18, 2010

Hustisya panawagan para sa mga biktima ng pagsabog sa La Salle

Hustisya panawagan para sa mga biktima ng pagsabog sa La Salle
By Darius Galang ⋅ October 1, 201

Kinondena ng National Union of Students of the Philippines (NUSP) ang pagsabog noong Setyembre 26 sa harapan ng De La Salle University Manila, sa pagtatapos ng Bar examinations, at nakisimpatiya sa mga kaanak, kapamilya at kasamahan ng mga nasaktan sa paghahanap ng hustisya para sa mga biktima.

Sa isinasagawang pagsisiyasat, naiulat na isang kaguluhan sa pagitan ng mga fraternities ang ugat ng pagsabog. May 44 katao ang nasaktan sa karahasan.


Isinama rin nila ang pagkondena sa walang-habas na karahasan na kinakasangkutan ng fraternities at sororities na sumisira sa kanilang mga obhektibo at kasaysayan.

Ipinapaalala rin ng NUSP ang mga kapatiran sa kanilang kasaysayan at oryentasyon, na may dakilang simulain sa paglilingkod sa sambayanan. Paalala nila na kung isasabuhay ng mga kapatiran ang mga ideyal na ito ay hindi lamang masisiwata ang mamalim nang kultura ng karahasan, kundi ilalagay pa sila sa wastong konteksto sa loob ng lipunan.

Nakikipagtulungan ngayon ang NUSP sa iba’t ibang law student groups na tumulong sa mga nasaktan sa pagsabog.

“We also call on everyone to help in whatever possible means the victims of the incident,” pahayag ng NUSP.

No comments:

Post a Comment

Free to Earn