Monday, October 18, 2010

RP Team panglima sa FIBA U18 Basketball Championships


RP Team panglima sa FIBA U18 Basketball Championships

By Darius Galang  October 5, 2010

Bagaman natalo sa quarterfinals, maluwag pa rin sa kalooban ang pagwagi ng RP Under-18 team sa kakatapos na FIBA U18 Mens Basketball championships.
Ginapi nila ang Japan at ang host country Yemen sa relegation round upang makuha ang pinakamataas na posisyong nakuha ng bansa sa loob ng ilang taon.
Huling nakuha ng bansa ang kampeonato sa liga noong 1982 nang ginanap ang palaro sa Maynila. Ika-pito ang bansa noong 2008.
“It was a different day and a different game altogether. We just want to leave everything on the floor,” saad ni RP coach Eric Altamirano. “We have had a nice crowd supporting us here. We wanted to leave Sana’A with some happy memories for them.”
Pinangunahan ng 18 puntos ni Joshua Angelo Alolino ang huling laban ng koponan kontra sa Yemen. Inumpisahan nila ang laro sa 9-2 run sa unang mga minuto at hindi na lumingon pang pabalik.
Nagdagdag sina Kiefer Ravena at Raphael Banal ng tig-15 puntos, habang tig-sampu naman ang ambag nina Jeth Rosario at Cris Michael Tolomia.
97-48 ang huling tala ng laro.
Ang Chinese-Taipei na tumalo sa pambansang koponan ay pangatlo, sa pagwagi nito kontra sa Iran, 64-60. Kampeon pa rin ang Tsina sa pagwawagi nito sa Korea, 103-80. Tutungo sa 2011 FIBA U19 World Championship sa Latvia ang Tsina, Korea at Chinese-Taipei.

No comments:

Post a Comment

Free to Earn