Wednesday, September 15, 2010

Pagdaong ng barkong nukleyar ng Kano pinaiimbestigahan ng Bayan Muna

Pagdaong ng barkong nukleyar ng Kano pinaiimbestigahan ng Bayan Muna



(Pinoy Weekly) Hiniling ng mga kinatawan ng Bayan Muna, sina Reps. Teddy Casiño at Neri Javier Colmenares, sa Kamara na imbestigahan ng Kamara ang pagdaong sa Manila Bay ng USS George Washington, isang barkong nukleyar, mula Setyembre 4 hanggang 7.
Isinumite nina Casiño at Colmenares ang House Resolution 382, na humihiling sa Committee on Foreign Affairs na imbestigahan ang pagdaong ng naturang barko dahil “lantarang nilalabag nito ang polisiyang nuclear-free ng bansa na nakasaad sa Article II, Section 8 ng Saligang Batas na nagsasabing ‘The Philippines, consistent with the national interest, adopts and pursues a policy of freedom from nuclear weapons in its territory.’”

Bahagi ang USS George Washington ng 7th Fleet ng US Navy na permanenteng nakadeploy sa rehiyong Asya-Pasipiko, partikular sa Japan.
“Mahigit 90 aircraft ang karaniwang nakadeploy sa USS George Washington. Nandoon ang air wings’ strike fighters, pangunahin ang F/A-18F Super Hornets at F/A-18C Hornets. May kakayahan ang mga eroplanong ito na magdala ng B-57 o B-61 na bombang nukleyar. Ang mismong sasakyang ito, mayroong short-range defensive weaponry, ginagamit para sa anti-aircraft warfare at missile defense. Malinaw na labag ito sa Konstitusyon at soberanya natin,” paliwanag ni Casiño.
Sinabi rin sa resolusyon na bahagi ang naturang barko ng permanenteng presensiyang militar ng US sa bansa dahil sa Visiting Forces Agreement.
“Minamantine ng US ang polisiyang ‘neither confirm nor deny policy’ sa presensiya ng mga armas-nukleyar sa mga pasilidad pangmilitar at barko nito na matatagpuan sa iba’t ibang bansa sa mundo,” sabi pa ni Casiño.

No comments:

Post a Comment

Free to Earn