Monday, September 6, 2010

Para matigil ang sisihan sa hostage taking, inako ng pangulo ang pananagutan

Para matigil ang sisihan sa hostage taking, inako ng pangulo ang pananagutan
2010-09-03

Para matapos na ang salitaan sa nangyaring hostage-taking noong Agosto 23, sinabi ng Pangulong Benigno S. Aquino III Biyernes na inaako na niya ang pananagutan sa mga nangyari.

Sinabi niya ito sa panayam pagkaraang ilunsad niya ang pinalawak na pasilidad ng Covergys San Lazaro matapos sabihin sa kanya na mahihirapan si Kalihim Jesse Robredo ng Interyor at Lokal na Pamahalaan na makapasa sa Commission on Appointments.



“Sa pag-ako sa pananagutan, binigyang diin ng Pangulo ang simulain ng pananagutang itinatadhana ng Kostitusyon na ang isang tanggapang bayan ay tiwala ng bayan,’ paliwanag ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Herminio “ Sonny” Coloma.

“Ipinakikita rin ng Pangulo,” sabi ni Coloma, “ang tatag ng paninindigan niya sa pagsisikap na magkaroon ng repormang pang-istitusyon.”

Binanggit ng Pangulo na nagtungo siya sa Bicutan at sa Camp Bagong Diwa kamakalawa, upang alamin ang ilang bagay na nakarating sa kanya, “at kasalukuyan na naming idinudukumento ang aming mga natuklasan at ang kailangang pang mga mahalagang bagay tungkol dito.”

Sinabi niya na inatasan na ang Direktor Heneral ng PNP upang tiyaking ang ilang taong gumagawa ng hindi maiinam na bagay ay dapat iwasang makapanakit ng kapuwa tao.

“Ang mga nasa serbisyo pa ng sandatahang lakas at pulis ay sinuspindi na sa kanilang kasalukuyang puwesto. Sa Lunes,” sabi niya, “umaasa akong maipamamalas na ang kakayahan ng ating mga alagad ng batas sa pangangalaga sa ating mga kababayan.”

No comments:

Post a Comment

Free to Earn